.

Thursday, October 15, 2009

foreign tagalog

Ini-squeak noong 7:23 PM ni bubuwit |

naaalala mo pa ba kung gaano ka natuwa noong una mong narinig managalog 'yung exchange student noong haiskul o di kaya ang mga mormon? di ba kahit "para," "bayad po," at "tao po" lang, napapangiti ka sabay sabi ng ang cuuuuute! tiyak ganyan ulit ang naging reaksyon mo noong napanood mo ang "bahay kubo ni luke" at ang kano version ni xxthundrrbltxx ng "buloy" sa youtube. kung hindi mo pa ito napapanood at gusto mong mangiti...



kaaliw, di ba? biglang naisip mo, hindi naman pala masagwang pakinggan ang wikang filipino (na nakasanayan na nating tawaging tagalog--parang ang pagtawag natin ng "ilonggo" sa salitang "hiligaynon"). hindi talaga. kadalasan lang kasi, iniisip natin na jologs ito. pero iilan lang ang nag-iisip noon, hindi lahat, at lalong hindi ang mga foreigners (as in four rangers) sa mga videong ito. salamat sa kanila at napansin mong "ang cuuuuute!" ng wikang pinoy. sana lang ito nga ang naisip mo at hindi lang dahil cute ang kahit anong kakaiba--parang 'yong asong huning ibon sa perya. kung gusto mo pa ng ibang ka-cute-an, ipagpatuloy ang panonood sa channel na ito.
| edit post
0 Response to 'foreign tagalog'
Related Posts with Thumbnails