.

Thursday, September 24, 2015

mga salawikain ni bubuwit 2

Ini-squeak noong 5:56 PM ni bubuwit | 1 comments

ako'y likod ulit! in english, i'm back again! nung huli akong lumabas ng lungga para mag-blog, hindi pa uso ang hashtag, #aldub, #otwol, at naniniwala pa 'kong ganun talaga kaganda sa makati.

kaya dahil nakakabagets ang paglagay ng pound sign... (oops! hashtag pala--napaghahalatang taga-'80s si bubuwit!), heto na ang mga salawikain of the day #SOTD:

* kung ano ang itinanim, matutuyot rin dahil el niño.

* kahit saang gubat ay mayroong... teka, asan ang gubat? meron pang gubat? ba't puro subdivision ang nakikita ko?


* ang taong walang kibo, malamang naglalaro ng clash of clans.


* kung sino ang unang pumutak... ay siguradong manok.







Basahin ang karugtong...
| Links to this post | edit post

Saturday, January 21, 2012

ang totoong teleserye ng buhay kapamilya ni bubuwit

Ini-squeak noong 9:40 PM ni bubuwit | 1 comments







kaibigan ni bubuwit #1: anong ending ng (nasaan ka,)elisa?
kaibigan ni bubuwit #2: namatay din siya.
kaibigan ni bubuwit #1: sinong pumatay sa kanya?
kaibigan ni bubuwit #2: (sandaling nag-isip) yung writer.

*****



bubuwit: ano na nangyari sa "ikaw ay pag-ibig"?
mama ni bubuwit: namatay si andrew
bubuwit: ay ganon?! bakit siya namatay?
mama ni bubuwit: eh kasi nasa "walang hanggan" na siya.



Basahin ang karugtong...
| Links to this post | edit post

Monday, August 29, 2011

O pag-ibig na makapangyarihan...

Ini-squeak noong 6:58 PM ni bubuwit | 1 comments

Sabi ni Tagabantay sa 100 Days to Heaven "Kahit kelan, hindi naging problema ang pag-ibig. Sa katunayan, kulang nga ito eh. Nauubos ang supply. Kadalasan ang problema ay ang umiibig, kasi minsan, di niya alam ang tunay nitong kahulugan."

Ano nga ba ang pag-ibig? Ang pag-ibig...

... ay parang jeans. Kapag nasa mall ka, tingin mo tama ang kasya sa 'yo. Nakumbinsi mo ang sariling bagay sa 'yo. Pero pag inuwi mo na ng bahay, dun mo matutuklasang may mali sa fit. At baduy pala syang kapareha sa kung anumang meron ka na. Bago ka pumili ng iibigin, dapat alamin mo muna ang sarili mong sukat. Kilalanin mong mabuti ang lahat ng mga bagay na nakatago sa cabinet ng buhay mo. At sa ganun, makakapag-isip ka muna bago ka mag-invest.

... ay parang tubig sa baso, at ikaw yung pitsel. Minsan, sa kagustuhan mong punuin lagi ang baso, hindi mo napapansing ikaw pala ang unti-unting nauubos.

... ay parang patintero. Kadalasan, hindi ito nadadaan sa bilis. Wag kang sugod lang ng sugod. Pag-aralan mo kung nasaan ang mga linya at kung paano mo ito tatawirin. Mag-ingat rin sa mga kalarong mahahaba ang braso.

... ay parang paglalaro ng Angry Birds. Kailangan mong maghintay ng tamang level at ng tamang bird. Hehehe.

Basahin ang karugtong...
| Links to this post | edit post

Saturday, October 16, 2010

Bob Ong? Asan ka?

Ini-squeak noong 8:08 PM ni bubuwit | 0 comments


linggo ngayon. kung may #sentisabado sa twitter, sa bubuwitter naman, mas nagsesenti ang bubuwit kapag linggo. paano naman kasi, pag-mulat ng mga mata ko pag linggo na ng umaga, para akong presong nasa death row. pakiramdam ko, inaasar ako ng kalendaryo at sinasabi sa aking, "bwahahahahaha! lunes na bukas... LUNES! tapos na ang maligayang weekend. bukas na bukas rin, magpapa-alipin ka na naman sa sistemang tinatawag sa inggles na 'rat race.'" biglang babagsak ang puso ko, tapos bibilis ang pag-tibok nito. dug-dug tugug, dug-dug tugug. sa katunayan, nanginginig ang mga daliri ko ngayon habang tumitipa sa keyboard. kapag ganito ang pakiramdam ko, hahagilapin ko ang aking mga bibliya. oo. mga bibliya. at sasagi sa isipan ko... bob ong! bob ong! asan ka? bakit mo ako pinabayaan? hindi ko alam kung asan ka, pero sana naman, kasalukuyan kang nagsusulat ng panibagong kabanata sa bibliya. pero habang wala pa ito, magtya-tiyaga muna akong dagdagan ang mga words of wisdom na ibinahagi mo na at minahal ng buong ka-bob-ongan:
“Nalaman kong habang lumalaki ka, maraming beses kang madadapa. Bumangon ka man ulit o hindi, magpapatuloy ang buhay, iikot ang mundo, at mauubos ang oras.”
... kaya 'wag ka nang lumaki. dahil napansin kong mas mabilis naghihilom ang mga galos at sugat ng mga bata. at tuwing nadadapa sila, nag-uunahan ang mga tao para ibangon sila at sabihan na: okay ka lang? kapag malaki ka na at nadapa ka, pagtitinginan ka lang at pagtatawanan. kung mamalasin ka pa, may naka-capture nun sa video at malalagay ka sa YouTube. kung meron mang lalapit sa 'yo, sasabihan ka lang ng "ang tanga-tanga mo naman kasi."

"Wag magmadali sa pag-aasawa. Tatlo, lima, sampung taon sa hinaharap, mag-iiba pa ang pamantayan mo at maiisip mong di pala tamang pumili ng kapareha dahil lang sa kaboses niya si Debbie Gibson o magaling mag-breakdance. Totoong mas importante ang kalooban ng tao higit sa anuman. Sa paglipas ng panahon, maging ang mga crush ng bayan sa eskwelahan e nagmumukha ring pandesal. Maniwala ka."
... at mas lalong maling pumili ng kapareha dahil lang marami siyang twin sunflowers sa plants vs. zombies o di kaya'y parehas sila ng hairstyle ni justin bieber. pero sa totoo lang, may mga crush ng bayan na hanggang ngayon ay kasing-kinis pa rin ng empanada. at gustung-gusto ko silang dikdikin na parang otap.

“Huwag mong bitawan ang bagay na hindi mo kayang makitang hawak ng iba.”
“Huwag mong hawakan kung alam mong bibitawan mo lang.”
“Huwag na huwag ka hahawak kapag alam mong may hawak ka na.”

sa madaling salita, sa buhay pag-ibig, kailangan mong maging isang genetically modified organism at magpatubo ng tatlo pang ekstrang pares ng mga kamay. o di kaya, magpa-amputate ka na lang. piliin mo kung alin ang mas makabubuti para sa 'yo.

"Nalaman kong hindi final exam ang passing rate ng buhay. Hindi ito
multiple choice, identification, true or false, enumeration or fill-in-the-
blanks na sinasagutan kundi essay na isinusulat araw-araw. Huhusgahan ito
hindi base sa kung tama o mali ang sagot, kundi base sa kung may kabuluhan
ang mga isinulat o wala. Allowed ang erasures."

... pero oo nga pala, right minus wrong kadalasan ang mga tests ng buhay. sa kasamaang palad, mas naaalala ng mundo ang mga mali natin kesa sa mga tama nating ginawa. kaya pag-isipang mabuti bago sumagot kung ayaw mong ma-zero o magkaroon ng negative score. wag daanin sa bilis ang pagsagot. class, you will be given your entire lifetime to finish the test. the time starts... now.


Basahin ang karugtong...
| Links to this post | edit post

Monday, September 20, 2010

Top Facebook Profiles Pinoy Style - Post #1

Ini-squeak noong 10:40 PM ni bubuwit | 2 comments


uy ha, dumadami na tayo sa facebook. minsan nga pakiramdam ko nasa friendster pa rin ako e hehehe. bah, bigla na lang lahat naging hobby na ang photography ah! maski sino na lang, basta ba kayang magbitbit ng mahahaba at malalaking lens, in na in! oy wag mo kong seseryosohin at iku-quote diyan. can't afford lang mag-DSLR o mag-SLR--o kahit pa ba mag-LRT-- ang lola mo kaya nangangamoy ampalaya. yung totoo, yung totoo, marami naman talagang nakaka-aliw sa fb eh. aba'y kung sa pag-career lang naman ng profile ang pag-uusapan eh wala nang tatalo sa ating mga ka-lunggang pilipinas. para naman talagang mag-aapply as UN secretary general ang iba kung maka-cut-and-paste ng resume sa "about me"! idagdag pa rito ang pagandahan ng profile pics. paano lulutang sa paligsahang ito sa fb? pwes, ipagpatuloy ang pagbabasa...una sa lahat, kailangan mong matutunan ang napakaselan na art of cropping. kung may kagandahan ka sabi ng nanay mo, at talagang paniwalang-paniwala ka naman, pero medyo may pagka-chubby ka (translation: 60 kilos ang timbang mo, bibig pa lang yan!), ganito ang tamang paraan ng pag-crop:
  1. pumili ng litratong may tamang laki ang mukha mo: hindi masyadong close-up na pwedeng ipag-connect-the-dots ang blackheads mo, hindi rin sobrang liit na di ka na mamumukhaan kapag naka-thumbnail na ang picture mo. kung hindi ka nakatingin sa camera, mas mainam. kung sakaling may kabobohan ang mga kaibigan mo, aakalain nilang maganda ka talaga kahit candid shot. hehehe peace!
  2. alamin kung anu-ano ang mga bagay na dapat pasok sa mahiwagang cropping square: kalahati lang ng braso mo (kung may kalaparan ito), konting cleavage (dapat konting-konti lang ha. wag masyadong siksik, liglig, at umaapaw), at higit sa lahat, may naiisip ka bang ayaw na ayaw mo sa katawan mo? hindi 'yon 'yun. kung anuman 'yan, yan ang hinding hindi dapat kasama.
  3. tapos ka nang mag-crop dun sa step 2 pa lang. pero dahil sabi ng editor ko, wag daw mag-enumerate kapag hanggang step 2 lang, minabuti ko nang punuin ang space para sa number 3 para hindi mapansing 2-step enumeration lang ang ginawa ko.


Basahin ang karugtong...
| Links to this post | edit post
*
Related Posts with Thumbnails