.

Monday, September 20, 2010

Top Facebook Profiles Pinoy Style - Post #1

Ini-squeak noong 10:40 PM ni bubuwit |


uy ha, dumadami na tayo sa facebook. minsan nga pakiramdam ko nasa friendster pa rin ako e hehehe. bah, bigla na lang lahat naging hobby na ang photography ah! maski sino na lang, basta ba kayang magbitbit ng mahahaba at malalaking lens, in na in! oy wag mo kong seseryosohin at iku-quote diyan. can't afford lang mag-DSLR o mag-SLR--o kahit pa ba mag-LRT-- ang lola mo kaya nangangamoy ampalaya. yung totoo, yung totoo, marami naman talagang nakaka-aliw sa fb eh. aba'y kung sa pag-career lang naman ng profile ang pag-uusapan eh wala nang tatalo sa ating mga ka-lunggang pilipinas. para naman talagang mag-aapply as UN secretary general ang iba kung maka-cut-and-paste ng resume sa "about me"! idagdag pa rito ang pagandahan ng profile pics. paano lulutang sa paligsahang ito sa fb? pwes, ipagpatuloy ang pagbabasa...una sa lahat, kailangan mong matutunan ang napakaselan na art of cropping. kung may kagandahan ka sabi ng nanay mo, at talagang paniwalang-paniwala ka naman, pero medyo may pagka-chubby ka (translation: 60 kilos ang timbang mo, bibig pa lang yan!), ganito ang tamang paraan ng pag-crop:
  1. pumili ng litratong may tamang laki ang mukha mo: hindi masyadong close-up na pwedeng ipag-connect-the-dots ang blackheads mo, hindi rin sobrang liit na di ka na mamumukhaan kapag naka-thumbnail na ang picture mo. kung hindi ka nakatingin sa camera, mas mainam. kung sakaling may kabobohan ang mga kaibigan mo, aakalain nilang maganda ka talaga kahit candid shot. hehehe peace!
  2. alamin kung anu-ano ang mga bagay na dapat pasok sa mahiwagang cropping square: kalahati lang ng braso mo (kung may kalaparan ito), konting cleavage (dapat konting-konti lang ha. wag masyadong siksik, liglig, at umaapaw), at higit sa lahat, may naiisip ka bang ayaw na ayaw mo sa katawan mo? hindi 'yon 'yun. kung anuman 'yan, yan ang hinding hindi dapat kasama.
  3. tapos ka nang mag-crop dun sa step 2 pa lang. pero dahil sabi ng editor ko, wag daw mag-enumerate kapag hanggang step 2 lang, minabuti ko nang punuin ang space para sa number 3 para hindi mapansing 2-step enumeration lang ang ginawa ko.

| edit post
2 Response to 'Top Facebook Profiles Pinoy Style - Post #1'
  1. Anonymous
    http://bubuwitter.blogspot.com/2010/09/top-facebook-profiles-pinoy-style-post.html?showComment=1285060201211#c4810562032872355847'> September 21, 2010 at 2:10 AM

    Hahaha...nakakatawa...tumpak na tumpak...patuloy mo i criticize ang mga pinoy para matingnan naman ang sarili...
    --
    filipino online

     

  2. bubuwit
    http://bubuwitter.blogspot.com/2010/09/top-facebook-profiles-pinoy-style-post.html?showComment=1285080929313#c7060889420656439307'> September 21, 2010 at 7:55 AM

    @anon. salamat sa kumento, at higit sa lahat, salamat at may napatawa naman ako. yun nga lang, tungkol dun sa parteng "patuloy mo i criticize ang mga pinoy..." gusto ko lang linawin na katuwaan lang naman ito. actually, ako man e guilty dyan minsan. kung tutuusin, di lang naman tayong mga pinoy ang guilty dun sa mga puntong nabanggit ko. di lang kasi uso sa pinas ang serial killer kaya mas malaya tayong nakakapag-publish ng bragging rights natin sa fb ;-) pero dun naman sa parteng "...para matingnan naman ang sarili," may tama ka!

     

Related Posts with Thumbnails