.

Tuesday, September 22, 2009

dahil sa ghost ni patrick swayze

Ini-squeak noong 7:58 PM ni bubuwit |

mahigit isang linggo na ang nakaraan nang opisyal na ngang naging ghost si patrick swayze. gaya ng dati ay busy-busyhan ako noon sa paggawa ng lungga ng mas mayayamang bubuwit (daga 'yung mahirap), kaya ngayon lang ulit ako nakauwi sa sariling lungga para magmuni-muni. tuloy, nagsipagbisita ang iba pang mga multo.

nakakalungkot isipin na habang buhay ka, walang gaanong nakakaisip sa 'yo. maliban na lang siguro sa nanay, tatay, at mga kapatid mo, pati na rin ang mga alaga mong aso na inaabangan ang dala mong tira (o doggie bag, para sosyal) galing restoran. kung meron mang makakaalala, 'yon ay ang mga taong inutangan mo na hindi mo pa nababayaran. o di kaya 'yong kaklase mong hiniraman mo ng libro na hindi mo isinoli (na hiniram n'ya lang sa library kaya naging delinquent ang records n'ya dahil sa 'yo). kung naging sikat ka, maaalala ka sa anumang bagay na ikinasikat mo.


kung tungkol sa pagkamatay ni patrick swayze ang inaasahan mong mabasa, maling site ang napuntahan mo. Dito, ang mababasa mo ay mga pagmumuni-muni ko tungkol sa pagkakakilanlan at alaala ng mga tao at bagay na madali nating makalimutan.

***

ang sabi ni pareng bob, sinabi ni tito jim na "you will know who i am when you forget my name" sa kanyang blog na humming in my universe. oo nga, malalaman mo ang totoong halaga mo sa iba o ang pagkakakilala nila sa 'yo kapag hindi na nila maalala kung ano ang pangalan mo. parang kagaya ng usapan namin ng ate ko minsan:

ako: uy, alam mo, nasa abroad na pala si charlotte.
ate: aaah... 'yan ba 'yung kaklase mong kumakain ng sariling kulangot?
ako: hindi 'yon. si margot 'yon.
ate: ay ganon, basta ang pagkakatanda ko kasi katunog din ng "kulangot" ang pangalan n'ya eh.

kung sabagay, may point ang ate ko. may tawag nito sa psychology eh... ano nga ba 'yon? dahil wala na akong panahon para magbuklat ng makapal kong psych textbook, pagkasunduan nating memory by association ang tawag doon. parang noong minsang nagkitakita kami ng mga dating kaklase sa haiskul:

ako: sino nga ulit 'yung titser na nagsabi na "history is life itself"?
kaklase 1: ano ba 'yan, review???
ako:'yung cool waters ang perfume?
kaklase 2: aahhh, si mrs. juan 'yon! (to kaklase 1) hindi mo ba siya naaalala?
kaklase 1: ay oo nga! 'yung makapal mag-eyeliner!

kadalasan talaga iba tayong makaalala. sa mga estudyante, makakalimutan ang lesson, pero hindi kung anong nakakatawa sa titser. kagabi nga lang eh, naglaro kami ng charades ng kapatid ko... category: mga titser sa haiskul. laugh trip!!! sa mga empleyado naman, makalimutan na ang agenda sa meeting o deadline ng report, pero hindi kung ano ang nangyari sa paboritong teleserye sa eksaktong araw... noong nakaraang dalawang linggo!

employee 1: naku, rush na raw ito. sinabi na raw kasi dati sa meeting. kelan nga ulit ang deadline?
employee 2: hmm... ay! parang 2 wednesdays ago yata 'yon, kasi ang alam ko aampunin pa lang noon ni mayor enrique si santino. sa friday na ang deadline n'yan, kasi naalala ko na kasabay siyang matatapos ng tayong dalawa eh.

kaya ako noong college, nag-rereview ako sa harap ng TV. kaya tuwing exam, ganito ako mag-isip: alam ko 'to eh. bago ito mag-commercial ng ABC learning center... tama, "training and development" and sagot! yes! visual learning ba ang tawag nito sa educ? ito din kasi ang paraan ng pagtuturo sa mga foreign language schools.

Example:

spanish-caballo/english-male horse

caballo = (litrato ng "cab" o taxi) + (litrato ng "eye" o mata) + letter "O"

***

kaya mas masarap maging bubuwit minsan. walang pressure kung maalala at makilala ka man nila o hindi.

noong september 14, 2009, ang sumagi sa isip ko ng mabanggit ang pangalang patrick swayze ay ito--isang multong nagsasayaw ng dirty dancing.

***

"When nothing else subsists from the past, after the people are dead, after the things are broken and scattered-- the smell and taste of things remain poised a long time, like souls--bearing resiliently, on tiny and almost impalpable drops of their essence, the immense edifice of memory"

-Marcel Proust, "The Remembrance of Things Past"
| edit post
0 Response to 'dahil sa ghost ni patrick swayze'
Related Posts with Thumbnails