.

Tuesday, September 8, 2009

ano ang meron sa taba . . .

Ini-squeak noong 3:11 AM ni bubuwit |


. . . na doble ng presyo ng regular na iced tea ang variant na may L-carnitine?

. . . na mas naging katanggap-tanggap sa tao si juday nang mabawasan siya nito?

. . . na may halaga--at may ibang kahulugan--lalo na para sa isang babae, kung ang sasabihin mo sa kaniya ay "tumaba ka"kesa sa "mataba ka"? (hint: mas magandang reaksyon ang matatanggap mo sa nauna)

. . . na mas polite nang itanong kung magkano ang kinikita mo kesa sa kung ano ang waistline o timbang mo?



. . . na mas lalong polite ka kapag hindi ka na nagsalita kapag nagkita kayo finally ng isang kaibigan (na matagal mo nang hindi nakikita) kesa sa sumambulat sa bibig mo ang, "bruha! kumusta ka na?! ang taba mo na ah!"

. . . na ma-o-offend ka kapag may nag-offer sa 'yo ng seat sa MRT (kasi alam mong napagkamalan ka lang niyang buntis)?

. . . na kung asar ka sa isang babae, pakiramdam mo mas nakakaganti ka kapag naiisip mong, "eh ano ngayon kung siya ang na-promote? mas mataba naman siya! hmp!"?

sa totoo lang, hindi ko alam. kaya nga mag-ja-jogging pa rin ako kasehodang mag-liyab ang buo kong katawan sa paulit-ulit na pagkikiskisan ng mga hita ko. napansin ko kasi kaninang umaga na nanikip ang pantalon ko at mukhang tinubuan ako ng mga kurbada sa lahat ng maling lugar. ako? isang diyosa? tumataba? blasphemous! 'yan ang napala ko sa pagkakatawang-tao. samantala, ituturing ko munang four-letter word ang salitang "t*ba."
| edit post
1 Response to 'ano ang meron sa taba . . .'
  1. blogsngpinoy
    http://bubuwitter.blogspot.com/2009/09/ano-ang-meron-sa-taba.html?showComment=1252554577676#c3971685509323610323'> September 9, 2009 at 8:49 PM

    hello po! sorry ha if dito ako nagleave ng message. hindi ko po kasi nakita ang chatbox nyo.. anyway, update lang po. meron na po kasi tayong new post/page para sa mga codes ng hall of fame banners and the site banner itself. dun po sha makikita sa BANNERS link sa header :) ty!

     

Related Posts with Thumbnails