.

Wednesday, August 26, 2009

senti ng isang ghost writer

Ini-squeak noong 6:30 PM ni bubuwit |

nagising ako ng 7am para mag-proofread at mag-email ng manuscript. sa madaling salita, mag-cram. matinong gising ang alas siete kung tutuusin--para ka lang din ordinaryong empleyado na pumapasok ng opisina--maliban na lang kung babanggitin kong kaninang alas tres ng umaga lang din ako natulog. kung sabagay, may dahilan kung bakit ang salita na karaniwang ginagamit kasabay ng "adrenaline" ay "rush."

matapos naman ng project at delubyo ng adrenaline, pakiramdam ko ako si noah, at isa akong anak ng Diyos! nagmimistulang langit ang maliit kong kwarto, at paraiso ang higaan ko. yun nga lang, eto, hindi na ako makatulog. gising na gising ang utak ko kahit nag-punch out na sa bundy clock ang mga mata ko. makapag-kape na nga lang muna.

***

kadalasan, sa 30 araw sa isang buwan, 26 doon nakapambahay ako. 'yung apat na araw, allowance 'yon para sa mga pagkakataong tinatamad akong mag-isip ng mas creative na alibi para hindi makihalubilo sa tao. mas gusto kong matulog kung kelan gising ang mga tao, kaya kung naghahanap ako ng kausap, sila naman ang tulog. kapag may project, dagsa ang volume at hapit na hapit ang deadline. kung wala naman, kape, TV, tulog . . . minsan, kapag writer ka, pakiramdam mo wala kang pinagkaiba sa common bum.

kapag isa kang ghost writer kagaya ko (naghehead bang ka rin sa dingding ng kwarto mo para makapagsulat ng sapat--hindi kulang para di ka makatanggap ng bayad at hindi sobra na wala nang space na masusulatan ng pangalan niya ang nagbayad sa 'yo) o di kaya obscure writer ka (wala kang following, wala kang recall--ako pa rin 'yun), binubuo ka ng tatlong pagkatao. Isa kang bum, addict, at schizophrenic. kahapon, isa akong abogado. noong isang buwan, isa akong travel guide. hmmm bukas kaya?
| edit post
1 Response to 'senti ng isang ghost writer'
  1. blogsngpinoy
    http://bubuwitter.blogspot.com/2009/08/senti-ng-isang-ghost-writer.html?showComment=1251959775310#c6031703819783129962'> September 2, 2009 at 11:36 PM

    hi! salamat sa pag join! na post ko na po blog mo :) you can also vote for your favorite blogs! the top 5 highest rated will be highlighted in the hall of fame ;)

     

Related Posts with Thumbnails