.

Thursday, July 16, 2009

makati ang keyboard ko

Ini-squeak noong 3:56 AM ni bubuwit |


masarap maging netizen. sa mundong puno ng bawal at hindi pwede, isang pindot lang sa bubuwit (tagalog ng "mouse"?) ay panandalian kang makakatakas sa mga istrukturang nagsasabing para lang sa mga pangalang may tamang tunog at pwedeng bagayan ng karugtong na "palanca awardee" ang pagsusulat. ang kaibigan kong si J na isang writer (gaya ko) at amerikanong aktor na hindi sikat (gaya ko ulit) ay hindi pa nakakaranas ng karimarimarim na writer's block. sabi niya, "i write only when i have something to say... not because something needs to be said."

*****

magiging ipokrita ako kung sasabihin kong hindi ko pinangarap sumikat. noong bata pa ako, ang una kong pangarap ay maging isang sirena. sa simula pa lang, nagbabadya na sana ang kasikatan. main attraction sana ako ng kahit anumang peryang piliin ko. sabi nga lang ng mga nakatatanda, hindi raw ako pwedeng mag-japan kapag ganun. hmmm, i smell something sushi. nagpalit ako ng ambisyon. ang sumunod kong pinangarap ay maging isang ninja. ang daming raket sana! lalo na noong 80's na bonggang-bonggang sina jackie chan, sammo hung, at yuen biao lang naman ang makakalaban mo. siyempre sa hinaba-haba man daw ng kung fu, sa pagkatalo din naman ng ninja ang tuloy. lalo na kung red o black ninja ka. naisip ko, masyado naman yatang mapapabilis ang buhay ko noon eh ang tagal pa man din ng training. kung sabagay, makakahawak naman ako ng star--at hindi lang basta makakahawak, makakapukol pa. at sino ba naman ang ayaw humawak ng star, di ba? kaya tuloy ang ligaya! hanggang sa nadiskubre kong ang pagkahilig sa pizza ng isang ninja ay pwedeng mauwi sa kanyang pagiging isang pagong. eh ang siste, nabubuhay pa naman ako para sa pizza.

*****

pilit kong pinatay ang aking ambisyon, kahit pinag-isipan ko pa ring pwede pa rin naman akong maging ninja dahil cute na kulay ang purple. ang sarap sigurong maging miyembro ng unicorns sa sweet valley, kasi araw-araw parang kris kringle. kapag miyembro ka ng eksklusibong girl group na unicorns, kailangan lagi kang maglalagay ng "something purple" sa outfit mo kapag papasok ka sa sweet valley middle school. kung hindi, lagot ka kina lila fowler at jessica wakefield. laitera pa naman ng mga 'yon. magaganda kasi. buti na lang ako, kahit sobrang ganda, hindi naging snob. nalipat tuloy ang loyalty ko kay elizabeth. si lizzie ang kakambal ni jess. matalino, maganda (siyempre, kambal sila eh), mabait, responsable, at writer. tama. si elizabeth wakefield ang dahilan kung bakit ginusto kong maging writer. hindi naman masama na guapo ang boyfriend niyang si todd wilkins.
| edit post
0 Response to 'makati ang keyboard ko'
Related Posts with Thumbnails