![](https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEh-0tvUAJkOyCAKV9HCteBDFnPPyAc2rWthxxLRKa59c0uEhU8HWeMhzlizdNnF8amMTUB3_wFycFKM7ewn5fAwU3jmtSIRYGX_4aWJ2a2vK3ukHNkpQQZAAV8FdWXlWxZG4HJciSvvKDQ/s320/matsing.png)
ang hindi marunong magmahal sa sariling wika-- ay kikita nang malaki sa call center.
ang lumalakad nang matulin, mapipigtasan ng tsinelas.
ang taong nagigipit, ang ulam paulit-ulit.
damitan mo man ang matsing, sa karnabal pa rin ang landing.
habang maikli ang kumot, 'wag na munang mag-aircon
kung ano ang puno, ganun lang talaga 'yon. wag nang pag-isipan pa nang husto.
kung may tiyaga, meron ding di matiyaga.
matalino man ang matsing-- eh ano ngayon? di naman siya pogi.
pagkahaba-haba man daw ng prusisyon, di ka naman magugutom sa daan. meron diyan sago't gulaman, kropek, chicharon, baluuut...
walang matigas na tinapay, sa taong may ngipin.
*pasintabi: ang kyut na litrato ng matsing--na kapansin-pansing paborito sa mga salawikain--ay nagmula sa www.jeffcrouse.info