.

Tuesday, December 22, 2009

buti pa...

Ini-squeak noong 8:10 AM ni bubuwit |

ang tulang ito ay ang kaisa isang entry sa blog na ito na hindi ko gawa. sayang nga eh, sana pwede kong sabihing ako ang nakapag-isip nito. ang ganda kasi, at marami ang tiyak na nakaka-relate. kung bakit ko naman ito nai-post eh sa simpleng kadahilanang nagtagpo kaming muli sa "pandaigdigang sapot." nabanggit ko ang salitang "muli," dahil una ko itong nabasa noong haiskul ako. sa katunayan, isa ito sa mga dahilan kung paano ako nainlab sa pagsusulat.

ang exam sinasagot, yung ibang tao hindi
ang calendar, may date, yung ibang tao wala
ang sugat, inaalagaan, yung ibang tao hindi
ang baso, dinadampian ng labi, yung ibang tao hindi
ang unan, katabi't kayakap sa gabi, yung ibang tao hindi
ang notebook, sinusulatan, yung ibang tao hindi
ang hininga, hinahabol, yung ibang tao hindi
ang parents, hinahalikan, sana ako rin
ang lesson, inuunawa, yung ibang tao hindi
ang kamalian, pinapansin, yung ibang tao hindi
ang panyo, iniiyakan, yung ibang tao hindi
ang Hershey's, may Hugs and Kisses, yung ibang tao wala
ang awit at tugtog, magkasama, sana tayo rin
ang ulap, tinitingala, yung ibang tao hindi
ang phone, hine-hello, yung ibang tao hindi
ang aksidente, pinagkakaguluhan, magpa aksidente kaya ako?
ang radyo, pinakikinggan, yung ibang tao hindi
ang lungs, malapit sa puso, yung ibang tao hindi
ang typewriter, nata-type-an, yung ibang tao hindi
ang kotse, mahal, sana ako rin
ang probabilities, may chance, yung ibang tao wala
ang patay, dinadalaw, yung ibang tao hindi
ang aids, nababalita, yung ibang tao hindi
ang problema, iniisip, di bale, iniisip naman kita
ang film, nadedevelop, yung ibang tao hindi
ang tindera, nagpapatawad, yung ibang tao hindi
ang liham, nagmamahal, yung ibang tao hindi
ang alaala, binabalikan yung ibang tao hindi
ang diyaryo, pinaniniwalaan, yung ibang tao hindi

buti pa ang tulang ito, pinapansin, yung gumawa hindi...

ayon sa kuro-kuro ng mga kaklase ko noong haiskul (o maaaring totoong kwento na nagmistulang haka-haka sa dami ng pinagdaanang dila), ang sumulat nito ay isang pari. hindi ko alam. basta ang alam ko, napakahusay niya. at isa pang dahilan kung bakit ko ito naisipang i-post dito sa bubuwitter ay dahil gusto kong sumalungat sa sinabi niya na, "buti pa ang tulang ito, pinapansin, yung gumawa hindi." kapuri-puri ka, uh, father?
| edit post
0 Response to 'buti pa...'
Related Posts with Thumbnails