.

Friday, January 8, 2010

kung hindi maganda ang umaga...

Ini-squeak noong 8:19 PM ni bubuwit |


pinipili(t) ko itong pagandahin. paano? ganito lang kasimple 'yun:




  • kung naubusan ako ng hot water para sa coffee, kabawasan ba 'yon sa pagkatao ko?
  • kung iinit ang ulo ko sa traffic, sa tsuper, sa pulis trapiko, madadagdagan ba ang kita ko?
  • kung magdadabog ako sa opisina, magiging libre ba ang pagpapagamot?
  • kung ma-ba-bad trip ako sa mga tao sa paligid ko, mababayaran ba ang utang ng Pilipinas?
  • kung magagalit ako sa kanilang lahat, magbabayad ba ang mga taong may utang sa 'kin?
  • kung magtatampo ako dahil nakalimutan na naman ng boyfriend kong dugtungan ng smiley :-) ang text niyang "Good morning, love," may mag-papaaral ba ng libre sa nga street children?
  • kung magbibilang ako ng dahilan kung bakit hindi na dapat kausapin ang isang kamag-anak o dating kaibigan, dadami ba ang Pilipinong magkakaroon ng marangal na trabaho?
  • kung magrereklamo ako sa bawat mali, malulunasan ba ang AIDS at cancer?
  • kung mapipikon ako sa buhay, magkakaroon na ba ng hustisya ang Maguindanao massacre?
  • kung gaganti ako sa bawat taong kinaiinisan ko, mangangako ba si GMA na hindi na sasabak sa pulitika at aambisyoning maging prime minister? at higit pa rito ay ang tanong na "TUTUPARIN ba niya ang kanyang pangako?"

  • di ba, hindi? at di ba, mas maraming bagay na dati nang nakaka-stress, kaya hindi na natin kailangan pang dagdagan ang mga ito? pagkatapos nito, mas na-a-appreciate ko na ang umagang meron ako.
    | edit post
    1 Response to 'kung hindi maganda ang umaga...'
    1. Snappy Sparrow
      http://bubuwitter.blogspot.com/2010/01/hindi-magandang-umaga.html?showComment=1267950065644#c8587856778445342846'> March 7, 2010 at 12:21 AM

      sana ganyan ang maisip ko tuwing nababadtrip ako sa boss ko heheh.

       

    Related Posts with Thumbnails