Ano nga ba ang pag-ibig? Ang pag-ibig...
... ay parang jeans. Kapag nasa mall ka, tingin mo tama ang kasya sa 'yo. Nakumbinsi mo ang sariling bagay sa 'yo. Pero pag inuwi mo na ng bahay, dun mo matutuklasang may mali sa fit. At baduy pala syang kapareha sa kung anumang meron ka na. Bago ka pumili ng iibigin, dapat alamin mo muna ang sarili mong sukat. Kilalanin mong mabuti ang lahat ng mga bagay na nakatago sa cabinet ng buhay mo. At sa ganun, makakapag-isip ka muna bago ka mag-invest.
... ay parang tubig sa baso, at ikaw yung pitsel. Minsan, sa kagustuhan mong punuin lagi ang baso, hindi mo napapansing ikaw pala ang unti-unting nauubos.
... ay parang patintero. Kadalasan, hindi ito nadadaan sa bilis. Wag kang sugod lang ng sugod. Pag-aralan mo kung nasaan ang mga linya at kung paano mo ito tatawirin. Mag-ingat rin sa mga kalarong mahahaba ang braso.
... ay parang paglalaro ng Angry Birds. Kailangan mong maghintay ng tamang level at ng tamang bird. Hehehe.
https://bubuwitter.blogspot.com/2011/08/o-pag-ibig-na-makapangyarihan.html?showComment=1330052666635#c8307622295795051115'> February 23, 2012 at 7:04 PM
Talagang makapangyarihan ang pag-ibig lalo na sa mga taong madali mahulog sa pag-ibig